Sama-samang naglilingkod ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa pagbangon ng Pamilyang Pilipino. Nang nagsimula ang COVID-19 outbreak, agarang nagtipon ang Inter-Agency Technical Working Group on Social Amelioration dahil nakikita ang kahalagahan ng whole-of-nation approach upang masiguro ang kapakanan ng ating kababayan sa panahon ng pandemyang ito.
Isinasaalang-alang ng mga ahensya ang mga pangangailangan ng ating kababayan upang sila ay mabigyan ng mga sumusunod na kauukulang tulong o inisyatibo:
1. Department of Social Welfare and Development
- Emergency Subsidy Program – Social Amelioration Program (ESP-SAP)
2. Department of Labor and Employment
- COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)
- Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Workers – #Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD – #BKBK)
3. Department of Agriculture
- Financial Subsidy for Rice Farmers (FSRF)
- Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) – kung saan 597,000 na magsasaka ang nabigyan din ng cash assistance noong May 26.
- Survival and Recovery Assistance Program (SURE)
4. Department of Interior and Local Government
- Pagsubabay sa tungkulin ng mga lokal na pamahalaan sa Social Amelioration Program at sa distribusyon ng emergency subsidy sa kani-kanilang lugar.
- Paglalabas ng Show-Cause Orders sa mga lokal na pamahalaan na may mababang accomplishment rate at pagsasampa ng mga kaso sa mga lokal opisyal na may diumano may irregularidad ukol sa distribusyon ng emergency subsidy.
5. Department of Budget and Management and Department of Finance
- Pagsisiguro at paglilikon ng pondo para sa Social Amelioration Program
6. Department of Trade and Industry
- COVID-19 Pondo Para sa Pagbabago at Pag-Asenso Enterprise Rehabilitation
- Pagbigay ng Loan Moratorium
- Livelihood Seeding Program/Negosyo Serbisyo sa Barangay
- Pag-momonitor ng mga presyo habang umiiral ang community quarantine
Sa pamamagitan ng whole-of-nation approach, patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakiki-pagtulungan ng iba’t ibang ahensya upang mabigyan ng tulong ang marami sa ating mga kababayan na pinaka-apektado sa panahon ng pandemyang ito. ###