Nagsagawa ng Workshop ang mga kawani ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD Field Office-10 kasama ang mga partner agencies. Ito`y patunay na kahit sa kalagitnaan ng pandemya ay sinisiguro ng departamento na matugunan at masiguro na mas mapaganda pa ang implementasyon ng mga programa.
Layunin ng workshop na ito na mas maintindihan at maipaabot ng mga IP communities ang mga bagay na mas makakabuti at para mas maging sensitibo sa kultura ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang Human Development measure ng ating gobyerno na nagbibigay ng kondisyonal na cash grants sa pinakamahirap na pamilya, upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at ang edukasyon ng mga batang may edad na 0-18. Xxxaqc