ANO ANG FOOD AND FINANCIAL ASSISTANCE?

Ang food assistance ng DSWD ay binibigay para sa mga bakwit na galing Marawi City. Nagbibigay ang DSWD ng P1,000 para sa pangangailangang pagkain sa Ramadan, at dagdag na P4,000 para sa kanilang pag-uwi sa Marawi City.

 

SINO ANG MAKAKATANGGAP NG P5,000 NA FOOD AT FINANCIAL ASSISTANCE?

Ang makakatanggap ng P5,000 ay yung napatunayan / na-validate ng DSWD / CSWDO / MSWDO na totoong bakwit galing sa Marawi, kasama na rito ang mga naninirahan sa mga evacuation centers, at home-based (mga bakwit na naninirahan sa komunidad).

 

KAILAN NAGSIMULA ANG PAGPAPAMIGAY NG FOOD ASSISTANCE?

Noong June 20-29, 2017, namigay ng P1,000 ang DSWD para sa mga na-validate na bakwit na nasa evacuation centers at home-based base sa listahan nga mga bakwit na na-validate noong June 14, 2017. Ito ay pinamigay kasabay sa selebrasyon ng Eid Al-Fitr – ang pagtatapos sa Ramadan.

 

NAKATANGGAP NA AKO NG P1,000 FOOD ASSISTANCE GALING SA DSWD NOON JUNE 20-29, 2017. KAILAN AT SAAN KO MAKUKUHA ANG P4,000?

Para sa mga nakatanggap na ng P1,000 noong June 20-29, 2017, matatanggap nila ang P4,000 doon sa Marawi City, sa kanilang pag-uwi. Ang schedule ng payout ay ilalathala ng DSWD-ARMM.

 

HINDI AKO NAKATANGGAP NG P1,000 GALING SA DSWD NOONG JUNE 20-29, 2017. KAILAN AT SAAN KO MAKUKUHA ANG FOOD ASSISTANCE?

Ang hindi pa nakatanggap ng P1,000 noon June 20-29, 2017, makukuha nila ang P1,000, kasama na ang P4,000 sa Marawi sa kanilang pag-uwi. Ang schedule ay ilalathala ng DSWD-ARMM. Ang rehistrado lang at na-validate ng DSWD ang makatanggap sa tulong pinansyal.

 

AKO AY LEHITIMONG BAKWIT GALING MARAWI, NGUNIT HINDI PA AKO NAKAKATANGGAP NG TULOG GALING SA DSWD. ANONG DAPAT KONG GAWIN?

Magparehistro sa inyong purok leader kung saan kayo pansamantalang naninirahan. HULYO 5, 2017 ang huling araw sa pagrerehistro ng mga bakwit. Ang inyong purok leader ang magbibigay ng inyong pangalan sa barangay kapitan. Responsibilidad ng barangay kapitan na maibigay ang inyong mga pangalan sa DSWD para i-validate, sa pamamagitan ng pag-iinterview sa inyo.

 

KUNG HINDI AKO MAKAKPAGREHISTRO PAGKATAPOS NANG HULYO 5, 2017, MAKAKATANGGAP PA BA AKO NG FOOD ANG FINANCIAL ASSISTANCE?

Dili na makadawat sa food assistance ang kadtong dili makarehistro sa Hulyo 5. Ang tanang bakwit nga nakarehistro sa dili pa Hulyo 5 ug nakarehistro nianang adlawa mao ray i-validate sa DSWD.

Hindi na makakatanggap ng food assistance ang hindi nakapagparehistro bago matapos ang Hulyo 5. Ang lahat ng mga bakwit na nakarehistro bago matapos ang Hulyo 5 ang mava-validate ng DSWD.

 

ANO ANG IBIG SABIHIN NG VALIDATION NG DSWD / CSWDO / MSWDO?

Ang validation ay isang proseso na ginagawa ng DSWD / CSWDO / MSWDO sa pamamagitan ng pag-iinterview sa mga bakwit upang mapatunayan na sila ay lehitimong bakwit galing Marawi City. Ito ay ginagawa upang ang mga binibigay nga tulong ay matatanggap sa mga lehitimong bakwit, at hindi sa mga nagsasamantala.

 

ANG LAHAT BA NA INI-INTERVIEW NG DSWD PARA VALIDATION MAKAKATANGGAP NG FOOD ASSISTANCE?

Kung mapatunayang lehitimong bakwit ang nakarehistro, kwalipikado na makakatanggap siya ng food assistance. Pero kung makitang hindi siya lehitimong bakwit galing Marawi City, hindi siya makakatanggap ng food assistance.

 

NAKAPAGREHISTRO AKO PERO HINDI AKO NA-INTERVIEW / NA-VALIDATE NG DSWD, ANONG DAPAT KONG GAWIN?

Makipag-usap kayo sa purok leader o barangay kapitan para sa status sa inyong pagrehistro. Ang barangay kapitan o barangay officials ang makipag-ugnayan sa CSWDO / MSWDO na hindi ka na-validate at sa gayun ay ma-interview kayo.

 

NA-VALIDATE NA AKO NG DSWD, PERO HINDI PA RIN AKO NAKAKATANGGAP NG TULOG GALING SA AHENSYA, ANONG DAPAT KONG GAWIN?

Makipag-usap kayo sa purok leader o barangay kapitan para malaman ang schedule sa distribution ng relief goods. Ang inyong barangay officials ang nakikipag-ugnayan sa CSWDO / MSWDO sa schedule ng pagbibigay ng relief goods. Ang CSWDO / MSWDO ang nagrerequest sa DSWD ng relief goods para mai-distribute ang mga ito sa inyong barangay.

 

PWEDE BA AKONG KUMUHA NG RELIEF GOODS O FOOD ASSISTANCE SA OPISINA NG DSWD?

Hindi pwede. Walang distribusyon ang ginagawa sa lahat ng opisina ng DSWD. Ang distribusyon ay ginagawa lang sa mga evacuation centers at barangay halls. Ang schedule ng distribusyon ay nakasalalay sa request ng CSWDO / MSWDO sa DSWD. ###