Nakaface mask at hand gloves ang food committee ng DSWD upang masiguro na malinis ang mga pagkaing inaabot nila sa mga frontliners na parte ng TFSP payout

Sa huling linggo ng payout para sa mga homeowners ng most affected areas ng Marawi siege, nakatutok ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 10, hindi lang sa mga internally displaced families, kung ‘di, sa mga workers din na mga frontliners.

Bawat kawani ng DSWD Field Office 10 ay ina-aruga ng mga food committee para sa pagbibigay ng Transitory Family Support Package sa Marawi City.

Ang food committee ang tumitiyak na mabigyan ng pangangailangan ang bawat empleyado ng DSWD, tropa ng mga sundalo, at iba pang mga partners. Layunin din sa pagbuo nga food committee na seguradong ligtas at malinis ang kinakain ng mga empleyado sa lahat ng panahon.