Binigyan ng tulong ang 68 na mga maliliit na negosyante sa White Island, Camiguin Province ng DSWD Field Office 10 ngayong araw Oktubre 1, 2020 para makabangon sila dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 na pandemya.
Ang industriya ng turismo ay naapektohan dahil sa pandemya.
Tumanggap ng tulong pinansiyal at family food packs ang 68 na negosyante. Mismong si DSWD Assistant Secretary Jade Jamolod ng Department of Social Welfare and Development ang naghatid ng tulong sa mga apektadong negosyante sa Yumbing, Mambajao, Camiguin.
Ang mga nakatanggap na noon ng cash assistance sa ilalim ng SAP ay tumanggap ng P3,000 samantalang P5,000 naman sa hindi nakatanggap ng SAP. Tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng DSWD sa mga komunidad sa panahon ng pandemya.Xxxcpt