Ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ay isang mahalagang inisyatibo ng pamahalaan na naglalayong itaguyod ang pag-unlad ng mga komunidad, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan o kapital, kasabay ng pagpapahusay ng kasanayan ng mga partisipante, layunin ng SLP na mapabuti ang kanilang kabuhayan at mapalakas ang kanilang kakayahang makilahok sa mas malawak na merkado.
Ngunit sa panahon ng mga eleksyon, kadalasang lumilitaw ang mga maling impormasyon o fake news tungkol sa mga programang tulad ng SLP, isa sa mga programa sa DSWD. Ang mga ganitong uri ng impormasyon ay maaaring makaapekto hindi lamang sa reputasyon ng programa kundi pati na rin sa mga kawani ng gobyerno at sa mga partisipante nito na umaasa sa mga tulong at oportunidad na ibinibigay ng SLP.
Mahigpit na ipinapaalala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahalagahan ng pag-verify ng mga impormasyon. Kung nakatagpo ka ng mga balitang hindi tiyak o hindi mapagkakatiwalaan tungkol sa SLP, makabubuting i-report ito sa pinakamalapit na DSWD-SLP Office o tumawag sa aming hotline number 0965-974-9885. Sa ganitong paraan, masisiguro nating ang impormasyon na umabot sa mga tao ay tama at makakatulong sa pag-unawa at pag-unlad ng programa.
Ang patuloy na pag-edukar sa publiko at ang wastong impormasyon ay mahalaga upang matiyak na ang mga partisipante ng SLP ay hindi malihis ng landas. Sa pagtataguyod ng tamang impormasyon, mas mapapabuti natin ang pagsuporta sa mga komunidad at mga indibidwal na nangangailangan ng tulong at oportunidad sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.